Liham sa Taong Nagbigay sa Akin ng Kauna-unahan Kong Black Eye

Black eye

Bakit mo ito nagawa sa akin?  Dahil lamang hindi ko pinansin kagabi ang iyong paglalambing?  Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na ako’y may karamdaman?  Nilalagnat ako, inuubo at sinisipon.  Naisin ko mang yakapin ka rin, talagang hindi ko kaya dahil napakasama ng aking pakiramdam.  At dahil lamang hindi kita pinansin, nagawa mo nang hampasin ako gamit ang dulo ng sarili ko pang cellphone.

Napakasakit ng nangyaring ito sa akin.  Hindi lamang sa pisikal, kundi sa damdamin din.  Samakatuwid, higit na nasaktan ang aking damdamin.  Siguro ay nalimutan mo na kung gaano kitang minahal minamahal.  Napakarami kong tinalikuran para sa iyo.  Simula nang dumating ka sa buhay ko, walang oras na hindi ikaw ang inisip ko.  Ikaw ang lalaking nagpapaikot ng aking mundo.  Iniaalay ko ang buhay ko sa iyo.  Wala akong hangad kundi ang iyong kaligayahan.  Pinagsilbihan kita at sinunod ang mga nais.  At ngayon, ito pa ang igaganti mo sa akin?

Tingin ng mga tao sa paligid natin, tungkulin ko bilang babae sa buhay mo na intindihin ka.  Wala raw akong karapatang iwanan ka o isuplong ka.  Sa kabila ng ginawa mong ito sa akin, idinidikta ng kulturang Pilipino na dapat akong magtiis.  Sabi ng lahat ng tao sa paligid ko, dapat kitang intindihin–wala akong karapatan gantihan ka.  Sabi nila, ganito raw talaga ang papel ng mga katulad kong babae.  Pinili ko raw na maging parte ka ng buhay ko, kaya kailangan kong magtiis at habaan ang aking pasensiya.

Pero alam, hindi ko na kailangangang marinig itong mga ito sa mga tao.  Hindi ko na kailangang sabihan ng mga tao dahil iyon naman talaga ang gagain ko.   Kahit ilang ulit mo itong gawin sa akin, alam kong mamahalin pa rin kita.  Kahit buong katawan ko ang saktan mo, kahit araw-araw o oras-oras mong gawin ito sa akin, hindi ko magagawang iwan ka.  Buhay ko, iaalay ko sa iyo.

Ganyan kita kamahal.  ’Yan at higit pa ang mga kaya kong tiisin, alang-alang sa pagmamahal ko sa iyo, Raviv.

 

Nagmamahal,

Nanay

**************************************************

Kala ninyo si Randy ‘no?  Hehe.

Ok, here’s the story:  I was sick last night and Raviv wanted me to play with him with the apps on my Galaxy Tab.  Since I was very weak, I can’t keep up with him and just lay on the bed, immobile.  Aba, nagwala!  While holding the phone with both hands, he twisted his upper torso sidewards, and then before I knew it, I was seeing stars!  Totoo pala ‘yung sa cartoons that when you get hit really hard, you see stars!  Sapul ang right side ng mata ko!

This morning when I woke up, may black eye na ako!  First time.   Ever.  Randy sympathized with me, saying he never thought I was hit that hard–he thought I was just being OA last night when I screamed.  And after sympathizing, “Naku, baka isipin binugbog kita!”  True enough, our staff admitted they can’t help but think that Randy suddenly got violent.  They might have thought I was just covering him up–good thing Yaya Isay was there when I was hit by Raviv.

When I showed the black eye to Raviv this morning and told him it was the result of his twisting last night, he was dumbfound.  He looked very guilty.  AS in he stopped laughing and playing–he just stood still and stared at my black eye.  He knew.  Even tonight, every time we discuss my black eye, he would keep still and stare at me.  When I tell him kiss my eye, he immediately would, with matching hug and tapik-tapik sa likod ko.

******************************

OK Raviv, when  you’re all grown up and you hate me just because, tandaan mo, ni-black eye-an mo ako!  So whatever it is that you think I did you wrong, just remember this:

It’s all your fault Raviv…

and this:

…it’s all your fault…

***********************

PS: I dedicate the letter written in Filipino/Tagalog to my idol in writing Tagalog essays, Dwight De Leon

UPDATE: It’s July 13, and my black eye has gotten worse!!!

My black eye three days after…nag-grocery ako kanina na naka-shades!  Feeling artista na pagkakaguluhan!

 

 

Related posts:

Tell me what you think!

comments

Powered by Facebook Comments

Comments

  1. Karen Carbungco says:

    hala…

  2. Oh my Dew! The other day na-headbutt naman ako ni Lia. Sapol sa ilong! Dumugo for a while, but good thing di naman masyado. Umiyak din si Lia, nasaktan ata ang ulo. Hay hay hay, physical “sacrifices” for our kids :-)

  3. angel yuson says:

    i can’t help it pero same po yung nangyari sa inyo ng mommy ko. i have a little brother no, 4 years old. when he was 2, binato nya ng phone si mama and pumutok yung kilay ni mama at sobrang daming dugo kaya sinugod pa po namin sya sa ospital. when the doctors learned about what happened, they just laughed. hahaha. i hope the black eye will get well really soon. haha. take care Ms. Dew and btw, you have a really really adorable raviv [:)] God Bless [:)]

    • momsterteacher says:

      Thanks for sharing your mom’s experience Angel. Hay, there’s such thing as battered moms pala no? Haha

  4. Charles Tumbaga (@cgtnerd) says:

    Hehe. Nag-worry naman po ako dun. Akala ko kung ano na. Hehe. Get well soon ma’am and see you in August. I want to watch UPCAT the Movie again eh. Bili po ako ng tickets soon! :)

  5. KIDS! That happened to me too, I was really sleepy and I just let Gwen play with my phone. Maya-maya, sabi nya, “Mommy!”. My reply, “Aray ko!” Ayun, tanggal antok ko.

Trackbacks

  1. [...] hindi pa naman ako ganoon kabihasa sa linyang ito. Ms. Dewmaine, pinangiti po ako nang lubos ng artikulong isinulat ninyo sa wikang Filipino (iyon marahil ang ilan sa mga unang blog post sa wikang Filipino [...]

Speak Your Mind

*

CommentLuv badge