Due to the number of requests I have gotten to feature our househelp and nannies again, I really paid attention to our helpers’ conversations these past days. And here is the result of my eavesdropping:
The evening after watching That’s My Boy in Eat Bulaga…
Yaya Isay: Ma’am, isali natin si Kuya (Raviv–cousin Yoona calls him Kuya) sa That’s My Boy! May sumali dun na 3 years old lang ang talent niya sabihin [sic] niya ‘yung kung saang bansa ‘yung mga flag. Si Kuya mag-identify naman ng mga animals. ’Di ba ang galing ni Kuya magsabi ng mga pangalan ng animals? Hindi ko nga alam ‘yang mga pinagsasabi n’yang mandrill pati baboon at saka ‘yung jackal! Excited na akoooo!!!
Alona, butting in: Ano ba ‘yang That’s My Boy saan ba ‘yan?
Yaya Isay: Sa Eat Bulaga.
Alona: Ay GMA pala…kaya hindi ko alam. Naku ‘wag nyong pasalihin si Raviv diyan!
Yaya Isay: Bakit naman?
Alona: Kasi GMA ‘yun, eeew! Pang-ABS CBN si Raviv no!
Yaya Isay: E wala namang pang-2 years old sa ABS CBN!
Alona: E ‘di antayin ming tumanda para sa Going Bulilit! Basta ‘wag sa GMA! Hindi ‘yan sisikat si Raviv sa GMA! At saka hindi ko susuportahan ang career ni Raviv kung GMA siya! [Read more...]
















Readers Speak!